Wednesday, November 09, 2022

2023 PAMBANSANG BADYET, MAAARING MARATIPIKAHAN NG KAPULUNGAN, PAG-APRUBA SA IKATLONG PAGBASA NG 16 HANGGANG 18 NG 30 (PAUNANG) NATITIRANG PANGUNAHING PANUKALA NG LEDAC BAGO MAGBAKASYON SA KAPASKUHAN

Ipinahayag ngayong Linggo ni Speaker Martin G. Romualdez na nakatakdang ratipikahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang P5.268-trilyong pambansang badyet para sa 2023 ng administrasyong Marcos, at ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng 16 hanggang 18 ng 30 (paunang) natitirang prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory (LEDAC), bago ang magbakasyon ang Kapulungan para sa kapaskuhan sa ika-17 ng Disyembre.

 

Ayon kay Romualdez, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay magbabalik-sesyon ngayong Lunes, ika-7 ng Nobyembre, na punong-puno ng mga lehgislasyong dapat isabatas, para sa episyenteng paglilingkod-bayan, paglikha ng mga trabaho, kalusugan, at pagbawi sa ekonomiya upang mapangalagaan ang mga mahihirap na sektor mula sa pagpapatuloy ng coronavirus disease-19 (COVID-19) at pandaigdigang inflation.

 

“Of course, on top of our priority list is the final approval or ratification of the proposed P5.268-trillion national budget. We will have a budget before the end of the year,” ani Romualdez.

 

Tatatalakayin rin ng Senado ang panukalang badyet bago ito pag-usapan sa Senate-House conference committee para sa pinal na bersyon nito.

 

“One of our main priorities is the ratification of next year’s national budget to provide social safety nets for the people and help them recover from the economic displacement caused by COVID-19. We will work harder for our economy to recover with agriculture as the major engine for growth and employment,” ani Romualdez.

 

Idinagdag niya na susuportahan ng Kongreso ang mga inisiyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang makapamahagi ng mga subsidiya sa pinakamahihirap na sektor, upang matugunan ang epekto ng pandaigdigang inflation.

 

Nauna nang nagpalabas ng direktiba si Pangulong Marcos para sa patuloy na suporta sa mga pinakamahihirap na sektor sa pamamagitan ng cash transfers at diskwento sa gasolina upang matugunan ang epekto ng tumataas na inflation.

 

Tiwala si Romualdez na aaprubahan ng Kapulungan ang 16 hanggang 18 Common Legislative Agenda (CLA), na inilista ng LEDAC sa kanilang unang pulong sa Malacañang noong ika10 ng Oktubre.

 

“We will also speed up the passage of LEDAC-priority bills, including the E-Governance Act and E-Government Act, in response to the appeal of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” ani Romualdez.

 

Sinabi ni Romualdez na karamihan sa mga prayoridad na panukala ay binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, at kalaunan ay pinagtibay bilang CLA ng LEDAC.

 

Bukod sa pagsasama ng E-Governance at E-Government Act bills, sinabi ni Romualdez ang natitirang 16 na prayoridad na panukala ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Medical Reserve Corps, Virology Institute of the Philippines, National Disease Prevention Management, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program, Amyenda sa Build-Operate-Transfer Law, Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries, Valuation Reform, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), Internet Transaction Act, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Department of Water Resources, The New Philippine Passport Act, Waste-to-Energy Bill, The Magna Carta of Barangay Health Work, at National Government Rightsizing Program.

 

Idinagdag ni Speaker na susubukang ipasa ng Kapulungan sa ikatlo at pinal na pagbasa, bago magbakasyon sa kapaskuhan, ang Magna Carta of Filipino Seafarers at ang mga panukala sa Budget Modernization.

 

Sa idinaos na unang pulong ng LEDAC na ipinatawag ni Pangulong Marcos, ang 20-miyembrong lupon ay nauna nang inilista ang 32 prayoridad na panukala, upang pasiglahin ang ekonomiya ng bansa.

 

Ayon kay Romualdez, ilan sa 32 paryoridad na panukala ng LEDAC ay ipinasa na ng Kongreso at nilagdaan na ni Pangulong Marcos para maging batas, partikular na ang Republic Act (RA) No. 11934, o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, at RA No. 11935, o ang pagpapaliban ng 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula ika-5 ng Disyembre, sa ika-30 ng Oktubre 2023.

 

Ang 11 pang natitirang CLA sa ilalim ng LEDAC ay ang Unified System of Separation, Retirement and Pension bill; National Land Use Act, National Defense Act, Enactment of an Enabling Law for the Natural Gas Industry, Amendments to the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), Establishment of Regional Specialty Hospitals, Magna Carta of Filipino Seafarers, Establishing the Negros Island Region, The Apprenticeship Act, Providing Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel, The Creation of the Leyte Ecological Industrial Zone, at ang Creation of the Eastern Visayas Development Authority. #

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home