TATLONG LIBONG PISO NA FINANCIAL AID SA OIL SPILL VICTIMS SA MINDORO, IPINAMAHAGI NINA SPEAKER AT CONGRESSWOMAN ROMUALDEZ
Namahagi ng tig-tatalong libong piso (P3,000) na financial aid sa mga biktima ng oil spill sa Mindoro sina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep Yedda Marie Romualdez
Katuwang ang administrasyon ni Pang Bongbong Marcos Jr, sa pamamagitan ni DSWD Sec Rex Gatchalian, namahagi ang tanggapan nina Speaker at Tingog Congresswoman Romualdez ng tig P3,000 cash assistance sa anim na raang biktima ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Nagkaloob din ang office of the Speaker ng tig-limandaang libong pisong calamity fund sa lalawigan ng first congressional district sa pangunguna ni Rep Arnan Panaligan.
Mula ang P3,000 cash aid sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program ng DSWD, mismong ang tanggapan ng House Speaker at nina Tingog Partylist Rep Romualdez at Rep Jude Acidre ang nag-ayos upang mairelease ang pinansyal na ayuda na ipinamahagi sa mga oil spill victim.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home