Thursday, October 12, 2023

PDEA inamin na malaki pa ang kakulangan nito sa mga tauhan


Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency na malaki pa ang kakulangan nito sa mga tauhan upang mabantayan ang mga paliparan at pantalan sa bansa laban sa pagpupuslit ng ilegal na droga.


Sa pagdinig ng House Dangerous Drugs Committee, inusisa ni Zambales First District Representative Jefferson Khonghun ang PDEA kung bakit tila nagagamit na ang entry at exit points pati na ang freeport zones sa kalakalan ng droga.


Sinabi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na nangangailangan sila ng interdiction units kung saan pagsasama-samahin sa iisang grupo ang law enforcement agencies upang tutukan ang ilegal na droga.


Ipinaliwanag nito na sa mga seaport ay kailangan nilang makatuwang ang Philippine Coast Guard, Navy, Bureau of Customs at Philippine National Police.


Giit pa ni Lazo, nahihirapan silang magkasa ng anti-drug operations dahil tatlong libo lamang ang kanilang tauhan kumpara sa multi-billion drug trade.


Humirit naman ng suporta ang PDEA sa Kongreso upang mapalakas ang kakayahan nito at maaaring simulan sa pagpapataas ng salary grade para sa entry-level agents upang mas makahikayat ng bagong recruits at aplikante. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home