Thursday, May 30, 2024

Hinimok ni Bukidnon Second District Representative Jonathan Keith Flores ang gobyerno na magtalaga ng isang special envoy na aatasang makipag-usap sa ministers at mga opisyal ng Foreign Affairs, militar at Coast Guard ng China.


Ayon kay Flores, ito’y upang mapahupa ang diplomatic at military tensions laban sa China kaugnay ng pang-aangkin nito sa West Philippine Sea.


Maaari aniyang isagawa ang pulong sa anumang bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN tulad ng Thailand at Cambodia.


Naniniwala si Flores na epektibo ang approach habang nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa ibang ASEAN countries.


Binigyang-diin nito na ang layunin ay matigil na ang agresibong “maneuvers” ng Chinese Coast Guard at militia ships gayundin ang pagkasa ng bilateral talks para sa isang fisheries and marine life agreement.


Punto ng kongresista, sapat na ang naturang kasunduan upang protektahan ang interes ng fisheries sector at upang mapigilan na ang pagpinsala sa corals, reefs, shoals, habitats at mga isla.


Aminado si Flores na maaaring umabot ng ilang taon ang bilateral talks ngunit proseso umano ito na kailangang simulan ngayon upang manaig ang constructive engagement laban sa tensyon sa exclusive economic zone ng bansa.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home