Thursday, May 30, 2024

Nakatakdang magpulong ngayong umaga ang House committee on ethics and privileges sa pangunguna ni Rep. Filemon Espares upang talakayin ang reklamo na inihain laban kay dating speaker Pantaleon Alvarez sa Davao.

Sinabi ni Espares na ang disorderly behavior o ang seditious na mga pahayag na binitawan ng dating speaker sa isang rally ang kanilang pag-uusapan sa Komite dahil ang dalawang reklamo ay hindi na nila ito sakop dahil maihahanay ito sa kasong kriminal.

Tanging kasong administratibo lamang ang kanilang jurisdiction.


Una ng inihayag ni Espares na mayroong tatlong ethics complaints laban kay dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang mga reklamo sa umano’y patuloy na pagliban ni Alvarez ay ibinasura na nuong Huwebes ng unang magpulong ang komite dahil wala itong batayan, at nakapagpakita ang mambabatas ng patunay na siya ay nagtatrabaho sa kanyang distrito.


Sinabi naman ni Espares na posibleng iakyat na sa plenaryo ang kanilang magiging hatol sa mambabatas bago mag sine die ang Kamara sa May 24,2024.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home