Tuesday, March 28, 2023

APELA NI MAYOR JANICE DEGAMO SA NA I-EXPEL SI CONG ARNIE TEVES BILANG HOUSE MEMEBER, RI-REBIYUNA NG KOMITE

Pag-aaralan na ng Committee on Ethics and Privileges ang appeal letter na ipinadala ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo sa Kamara na humihiling na tuluyan nang i-expel o tanggalin bilang miyembro ng Kapulungan si suspended Cong. Arnie Teves Jr na itinuturong utak sa pagpaslang kay NegOr GovRoel Degamo.


Ito ang inihayag ni Ethics and Privileges Committee Chairman Rep Felimon Espares matapos kumpirmahin na natanggap na ng kanyang komite ang kopya ng apela ni Mayor Degamo.


Sinabi ni Espares, na Kailangang rebyuhin ang hiling ng maybahay ni Gov Degamo upang malaman kung mayroong bigat o substance para maisalang sa pagdinigang naturang apela.


Subalit sa kasalukuyan, aminado ang mambabatas na hamon sa kanila ang pagkakaroon ng quorum dahil karamihan ng mga miyembro ng komite ang nasa kani-kanila nang mga lugar.


Nilinaw naman ni Espares na sakaling matuloy na ang imbestigasyon ukol sa apelang alisin na bilang miyembro ng Kamara si Cong Arnie Teves, asahan na magiging executive meeting ito dahil sa confidentiality ng usapin.


Hindi naman masabi ni Cong Espares kung kailangang gawing urgent ang pagtalakay dito lalo nat hindi pa aniya nababasa ang dokumento sa plenaryo at kanya pang pinapagawa ang briefer para magsilbing gabay o guidance ng komite. Jopel wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home