Thursday, July 20, 2023

DESISYON NI PBBM NA IBUKOD ANG MIF SA PULITIKA SA IKATATAGUMPAY NG SOVEREIGN WEALTH FUND, PINURI NI SPEAKER

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kahapon (ngayong Miyerkules) si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa kanyang pasya na ihiwalay ang pangangasiwa ng Maharlika Investment Fund mula sa pulitika, at sinabing isa itong kapuri-puring hakbang upang maging masinop ang pagtatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa. 


Noong (ngayong) Martes, ipinahayag ni Pangulong Marcos na kanyang tinanggihan ang mga mungkahi sa kanya o sa Secretary of Finance na pamunuan ang MIF, at sinabi na dapat lamang itong pangasiwaan ng mga may kakayahan at independyenteng pinansyal na tagapamahala, upang maihiwalay ito sa pamumulitika.



[“President Marcos’ demand for MIF investment decisions and management to be predicated solely on sound financial and business practices manifests his resolve to ensure the fund is adequately safeguarded and would grow to achieve its purpose,” ayon kay Romualdez, na isa sa pangunahing may-akda ng bersyon ng Kapulungan sa panukalang lumikha sa MIF.]


[“It is a prudent move on the part of the President that would bolster its potential to achieve its purpose of mobilizing additional funds without the need for additional borrowings or taxes to accelerate the implementation of flagship infrastructure projects meant to sustain the country’s robust growth,” dagdag niya.]



Sa ilalim ng RA 11954 o An Act Establishing the MIF, na nilagdaan ng Pangulo para maging batas noong nakaraang (ngayong) Martes, ang Kalihim ng Finance ay isa lamang ex officio chairperson, at hindi siya ang mangangasiwa sa Fund.


Pamamahalaan ito ng siyam na miyembro ng Maharlika Investment Corporation (MIC), na pamumunuan ng isang independyenteng Direktor.




Binanggit ni Romualdez na sa nakaraang pulong niya sa bagong Singaporean Ambassador, Constance See, binanggit ng huli na ang “sovereign wealth funds, when managed properly can really promote economic development, increase revenue, and boost national savings.”


Naalala niya na noong sila ay magkaharap ng envoy, ang city-state’s sovereign wealth funds, na GIC (Government of Singapore Investment Corporation) Private Limited and Temasek, kasama ang kanilang Central Bank, ay nag remit ng mga dibidendo na nagkakahalaga ng 20 porsyento ng pambasang badyet ng kanilang bansa. 


“With competent managers of proven track record and unquestioned integrity running the MIF, I am confident that it would eventually provide significant contributions to widen our fiscal space and finance projects that would create jobs and uplift the lives of our people,” ani Romualdez.


Matapos na malagdaan ang RA 11954, ipinahayag ng Malacanang na handa na ang entablado para sa paghahanda ng implementing rules and regulations (IRR) para sa paglikha ng MIC, na siyang magiging tanging behikulo na magpapakilos at gagamit sa MIF para sa pamuhunan.


Bilang layunin ng batas, ang Fund ay ipupuhunan sa malawak na saklaw ng mga pag-aari, kabilang ang dayuhang pananalapi, mga fixed-income instruments, domestic at foreign corporate bonds, joint ventures, mergers and acquisitions, real estate and high-impact infrastructure projects, at mga proyektong may kaugnayan sa pananatili ng kaunlaran. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home