MGA ISTRATEHIYA UPANG MAKAHIKAYAT NG KARAGDAGANG PAMUMUHUNAN SA ENERHIYA, TINALAKAY SA KAMARA NG ISANG EKSPERTO
Iminungkahi ng isang resource person kahapon, Miyerkules sa seminar na "Energy Transition, Contracts, and Fiscal Systems for Oil and Gas" sa Kamara na payagan ng pamahalaan ang mga mamumuhunan na mabawi muna ang kanilang mga pamumuhunan pagkatapos ng tatlo o apat na taon mula sa pagsisimula ng kanilang mga operasyon bago magpataw buwis.
Makakatulong ito upang makaakit ng mas maraming pamumuhunan sa sektor ng enerhiya.
“The faster companies recover their money, the more attractive the investment is,” paliwanag ni Dr. Pedro Van Meurs.
Binanggit niya kung paano ang mga namumuhunan sa ibang bansa “have to pay so much royalties … so much corporate income tax… import duties… production sharing. The government defines what (companies) have to pay, and then the company gets the remainder of the divisible income.”
Ipinakita niya kung magkano ang kikitain ng isang mamumuhunan, mas kaunting buwis at royalty ng gobyerno, sa iba't ibang antas gamit ang isang paunang naiprogramang spreadsheet file.
Tinalakay din ni Dr. Meurs ang regulasyon sa industriya ng langis ay maaaring progresibo o regressive.
Sa ilalim ng regressive system ang halaga ng pagbubuwis ay nakakaltasan kung mas matagumpay ang negosyo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home