Thursday, October 12, 2023


Contingent funds, maaring gamiting tulong sa mga apektadong Pilipino sa hidwaan ng Israel at Hamaw


Inihayag ni House Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin na maaaring gamitin ng gobyerno ang contingent funds upang tulungan ang mga Pilipinong apektado ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestinian Islamist group na Hamas.


Ayon kay Garin, matutustusan ng naturang pondo ang repatriation at paglikha ng trabaho para sa mga Pinoy na naipit sa gulo na nagsimula noong Sabado.


Dapat aniyang bumuo ang pamahalaan ng economic plans upang tugunan ang pagkakatanggal sa mga OFW sa trabaho dulot ng karahasan.


Paliwanag ni Garin, ang papel ng contingent funds ay para sa emergency situations.


Kasabay nito, hinimok ng kongresista ang Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipino.


Una nang iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration na mino-monitor nito ang nasa 24,807 Filipinos sa Israel habang dalawandaang empleyado naman ang nasa Gaza Strip. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home