Monday, October 23, 2023

Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang ginawang pagbangga ng Chinese vessel sa barko ng Philippine Coast Guard at AFP chartered boat sa kasagsagan ng resupply mission sa Ayungin Shoal.


Ayon kay Romualdez, hindi lamang nakompromiso ang buhay ng mga sakay ng barko kundi maituturing din itong banta sa regional peace at stability.


Umapela ang House leader sa China na tumalima sa international maritime laws at standards at maghinay-hinay sa mga ginagawang hakbang.


Dapat aniyang garantiyahin ang kaligtasan ng mga naglalayag na sasakyang pandagat sa West Philippine Sea.


Iginiit din ni Romualdez na hindi dapat palampasin ang insidente kaya naman gagawin umano ng Philippine government ang lahat ng diplomatic initiatives.


Bukod dito, hihilingin din umano ang suporta ng international community upang matuldukan na ang mga paglabag sa batas ng China.


Punto ni Romualdez, hindi lang basta trading partner ang naturang bansa kundi inaasahan pang maging isang kaalyado.



Kamara mariing kinondena aksyon ng China sa WPS



Kinondena ng Kamara de Representantes ang naging aksyon ng barko ng China Coast Guard (CCG) na nagresulta sa pagbangga nito sa bangka na magdadala ng suplay sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre.


“We, at the House of Representatives, vehemently condemn China's recent actions that led to the collision of its coast guard vessel 5203 with the private resupply vessel of the Armed Forces of the Philippines,” saad sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


“Such actions not only jeopardized the lives of those onboard but also threatened regional peace and stability,” sabi pa ng pahayag.


Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) limang barko ng CCG at walong Chinese Maritime Militia Vessels (CMMV) ang nagsama-sama upang maharang ang bangka resupply mission.


“We implore China to adhere to international maritime laws and standards, act with restraint, and guarantee the safety of all vessels in the West Philippine Sea,” sabi pa ng pahayag ng Kamara.


Gagawin umano ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng mapayapang pamamaraan upang mapigilan ang mga ganitong hakbang ng China sa hinaharap.


“Such incidents cannot be overlooked. The Philippine government will exhaust all diplomatic initiatives and mobilize the support of the international community to prevent these unlawful acts by its neighboring country — a country that is not just a trading partner but is also expected to be an ally.” (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home