Nagpasamalat si House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa Senado na kanilang inadopt ang bersiyon ng Kamara na ilipat ang confidential at Intelligence funds ng mga civilian agencies patungo sa security agency ng pamahalaan.
Ayon kay Rep. Co, tinanggap ng Senado ang kanilang pakiusap na tanggalin ang CIF ng mga civilian agencies at ilipat sa security sector.
Wala din aniyang katotohanan ang haka haka na ibabalik ang CIF ng senado.
Kapwa inaprubahan na ng Kamara at Senado ang committee conference report sa isinagawang bicameral conference meeting kaninang umaga at kapwa itong pagtibayin sa plenaryo ng Senado at Kamara sa kanilang regular session.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home