Tiniyak ni House Appropriations chairman at Ako Bicol Representative Elizaldy Co na ang final version ng General Appropriations Act para sa Fiscal Year 2024 ay sumasalamin sa kanilang shared commitment para tugunan ang pangangailangan ng mga Filipino at isulong ang kapakanan ng bansa.
Inihayag ni Rep. Co na ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay tugon sa inflation, pagtaas ng presyo ng bilihin, tulungan ang mga mahihirap at magbibigay ng nararapat na serbisyo.
Nakapaloob din sa 2024 budget kung paano madagdagan ang pagkain, trabaho, kalusugan, edukasyon at pabahay.
Malaking budget pa rin ang inilaan ng gobyero sa edukasyon, sa specialty hospitals.
Inihayag din ni Co na nasa P60 billion pondo ang kanilang dinagdag para sa irigasyon bilang bahagi sa food security.
Dinagdagan din ng P25 billion ang pondo ng Department of Agriculture para sa pagpapalakas sa ilang industries dahil sa request ni Secretary Tiu.
Nasa P10 billion din ang inilaan para sa housing subsidy ng gobyerno na layong magkaroon ng murang pabahay.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home