Suportado ng Kamara ang pagtatatag ng mga istruktura sa West Philippine Sea upang mapalakas ang persensya ng bansa sa naturang katubigan.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chair magkakaroon ng dagdag na istruktura sa WPS bilang tugon na rin sa aggression ng China sa Pilipinas.
Aniya nagkaroon ng dagdag na pondo ang Department of Transportation para sa pagsasa-ayos ng airport at pati sa Philippine Coast Guard.
Pagbabahagi ng Ako Bicol party-list solon, magkakaroon ng shelter at runway sa Laway Island na siyang pinakamalapit na isla sa Ayungin Shoal.
“Even po sa Ayungin Shoal, yung malapit na isla doon sa Ayungin Shoal sa Lawak, we’re putting up a shelter port para mas lalo pong maproteksyunan yung mga nagdedeliver doon just in case may bagyo magkakaroon na doon ng shelter port and expansion ng runway sa West Philippine Sea.” Saad ni Co
Batid ni Co na banta sa kaligtasan ng pwersa ng bansa ang pangha-harass ng China partikular sa mga isinasagawang re-supply mission sa Ayungin Shoal para sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre.
“Kaya inaayos natin yung airport ng west philippine sea. tapos hopefully dun sa Lawak Island sa ayungin shoal, that’s only around 30 minutes lalagyan na rin ho natin ng runway para hindi na nila pwedeng harangin, unless mayroon sialng bomba sila sa taas ng eroplano, sungkitin nila yung eroplano e maghahabulan sila… Pag dumaan ka sa ere hindi ka na ano, unless bungguin ka ng mga fighter jets nila, so that’s already a declaration of war.” Dagdag pa ng mambabatas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home