Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na itataguyod ng Kamara ang monitoring at evaluation ng mga programa at proyekto bilang bahagi ng mabuting pamamahala upang maibsan ang kahirapan sa bansa.
Sa kanyang mensahe sa 4th Asia-Pacific Evaluation Association conference, sinabi ni Romualdez na committed ang Kamara na isulong ang pag-institutionalize ng "evidence-based" na pagpapasya para sa kaunlaran at sa pagkamit ng United Nations 2030 Sustainable Development Goals.
Kauna-unahan aniya sa ilalim ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028 ang National Evaluation Policy bilang prayoridad.
Binigyang-diin ni Romualdez na layon nitong mapabuti ang kalidad ng pamamahala at gawing efficient ang bureaucratic processes.
Bilang mga parliamentarians, higit pa umano sa paglikha ng batas at pagpapatibay ng budget ang papel na kanilang ginagampanan dahil sila dapat ang mangunguna sa accountability at sa progreso.
Giit nito, naging matagumpay ang pag-impluwensiya ng parliaments sa mundo sa polisiya at implementasyon ng SDGs mula sa legislation ng environmental protection sa European Union hanggang sa paglalaan ng pondo para sa reporma sa edukasyon sa mga bansa sa Africa.
Ipinanukala na ng Kamara na isama ang National Evaluation Policy bilang "key legislative measure" na tututukan ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Paliwanag pa ng House Speaker, ang pagsasakatuparan ng polisiya ay magpapalakas sa legal at institutional framework para sa pagsasagawa ng regular evaluations ng government interventions.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home