Thursday, January 04, 2024

PAGPAPATUPAD NG PUV MODERNIZATION PROGRAM, PINAIIMBESTIGAHAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Paiimbestigahan ni House Speaker Martin Romualdez sa Committee on Transportation (DOTr) ang umano'y mga isyu ng korapsyon sa planong pagpapatupad ng PUV modernization program.


Sinabi ni Speaker Romualdez na nakatanggap ng mga ulat ang kanyang opisina na nababalot ng katiwalian ang programa mula sa conceptualization hanggang sa nakatakdang implementasyon nito.


Sa motu propio investigation na isasagawa ng komite,  sisilipin aniya ang impormasyon na nakipagsabwatan umano ang kasalukuyang transport officials sa mga dating opisyal sa negosasyon para sa imported na modernong jeepney units na papalit sa lumang disenyo.


Giit ni Romualdez na kailangang protektahan ang kapakanan at kabuhayan ng mga jeepney driver sa kabila ng pagtataguyod sa pagiging makabago at mabisang transportasyon.


Kasabay nito ay nanawagan ang House leader sa DOTr na isailalim muna sa masusing review ang modernization program at palawigin ang implementation period nito.


Isusulong naman ni Romualdez ang pagkakaloob ng tulong sa transition sa modernized vehicles upang masiguro ang access sa abot-kayang financing options at pag-aalok ng training programs upang makasabay ang mga driver sa bagong teknolohiya.


Bukod dito, pag-aaralan umano ang pagbibigay ng pagkakakitaan para sa mga driver upang maplano ang kanilang hinaharap dahil ang pagkakaroon ng stable income ay may kontribusyon sa organisado at maaasahang transport system. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home