Wednesday, January 03, 2024

NAGANAP NA POWER OUTAGE SA NEGROS PROVINCE AT PANAY ISLAND, PINASISIYASAT SA KAMARA

Nanawagan si Iloilo City Rep. Julienne ‘Jam’ Baronda na magsagawa ng pagsisiyasat ang Kamara sa nagaganap na malawakang power outage sa Panay Island at ilang lugar sa Negros province.


Ayon sa mambabatas bahagi ng Congressional oversight ng Kongreso na imbestigahan ito upang matiyak ang kapakanan ng publiko.


Punto ni Baronda, hindi pa nga natatapos ng House Committee on Energy ang imbestigasyon sa nangyaring region-wide power outage sa kanilang lalawigan noong April 2023 ngunit mayroon na namang panibagong problema sa kuryente.


“The power outages that sent the entire Panay Island and portions of Negros Island into darkness since yesterday warrant scrutiny by the House of Representatives in the exercise of its Congressional oversight function to safeguard public welfare. The investigation in aid of legislation on the April 2023 region-wide power outages by the Committee on Energy…has yet to be concluded, and yet this new incident took place, distressing the Ilonggos. It seems that those responsible and accountable have yet to learn their lesson.” sabi ni Baronda sa isang kalatas.


Patuloy namang itinutulak ng lady solon na matapos na ang interconnection ng Luzon at Visayas grid na dadaan sa Mindoro upang masolusyunan ang problema sa kuryente sa Panay Island.


Ayon sa NGCP, 3 planta ang pumalya at ang isa ay naka-maintenance shutdown kaya’t nagdulot ito ng malawakang brownout.


60% ng pangangailangan ng Panay Island ang apektado ngayon dahil sa pagpalya ng apat na planta.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home