Wednesday, January 31, 2024

rpp PI mamamatay kapag Senado ipinasa RBH 6


Hinamon ng mga kongresista ang Senado na aprubahan na ang Resolution of Both Houses no. 6 na siyang papatay sa inaayawan ng mga senador na people’s initiative.


Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe isang amyenda lamang sa Konstitusyon ang maaaring gawin kada limang taon kaya kapag natapos ng Senado ang RBH 6 ay hindi na maaari ang PI.


“Pass your version of RBH 6, where there are no political provisions, only economic provisions, and we will be one with the Senate. We will no longer ask for any debates. No questions asked,” sabi ni Dalipe sa isang press briefing.


“If they want, we can even do blood compact just like that Speaker Ferdinand Martin Romualdez said,” dagdag pa ni Dalipe.


Umaasa naman si Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng ikatlong distrito ng Pampanga na tutuparin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na aaprubahan ng Senado ang RBH 6 sa unang quarter ng 2024.


“My worry is just that they may not be able to get the 18 votes needed, just like what he promised us. SP Migz told us he can have it passed by March,” sabi ni Gonzales.


Sinabi ni Gonzales na ngayong inihinto na ng Comelec ang pagtanggap ng mga pirma para sa PI ay dapat aprubahan na ng Senado ang RBH 6 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.


Para naman kay Rep. Geraldine Roman ng Bataan panahon na para gawin ng Senado ang mga sinasabi nito.


“Let’s walk the talk. Let’s focus our efforts on discussing the RBH-6. Let’s not waste time. Let’s start the ball rolling. Let’s make it happen,” ani Roman.


Nagtataka rin umano si Roman kung bakit nagbago ang isip ng mga dating kongresista sa usapin ng pag-amyenda sa Konstitusyon ng maging senador ang mga ito. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home