Tuesday, March 26, 2024

LIMANG ARAW NA CALAMITY LEAVE WITH PAY, ISINUSULONG SA KAMARA

Ipinanukala ni Agusan del Norte 2nd District Rep Dale Corvera sa Kongeso ng Pilipinas na mabigyan ng limang araw na calamity leave with pay ang mga empleyado na apektado ng kalamidad.


Sa ilalim ng panukalang Calamity Leave law (House Bill 10182), binigyan-diin ni Congressman Corvera ang pangangailangan na matulungan ang mga indibidwal at kanilang pamilya na lubhang naapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol, storm surge at pagbaha.


Sinabi ng mambabatas na layon ng kayang panukala na gawaran ang mga empleyado sa mga publiko at pribadong sektor ng limang araw na special emergency leave with pay upang mabawasan ang impact ng mga natural na kalamidad at mga disaster sa kanilang mga income at well-being.



(Magkakaroon ng calamity leave ang mga empleyado na nakatira sa mga lugar kung saan idineklara ng Pangulo o ng lokal na Sanggunian ang state of calamity alinsunod sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 (Republic Act 10121).)



Idinagdag pa sa panukala ni Corvera, na upang mabigyan ng calamity leave, ang empleyado ay dapat nakapagtrabaho na ng hindi bababa sa anim na buwan. 


Ang naturang leave ay maaaring gamitin ng magkakasunod na araw o magkakahiwalay.



(Ang mga empleyado ng gobyerno na ang trabaho ay may kaugnayan sa pagbibigay ng pangunahin at pangkalusugang serbisyo, preparedness response sa natural disaster o calamity at iba pang pangunahing serbisyo kapag may kalamidad ay maaaring gamitin ang kanilang calamity leave simula sa pagtanggal ng state of calamity hanggang sa 10 araw matapos ito.)



Ang calamity leave na hindi nagamit ay hindi maaaring ipunin at hindi convertible sa cash.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home