Tina/ March 19
Inapela ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama sa kanilang benefit package ang optometric services o mga serbisyong kaugnay sa kalusugan ng mga mata para maging mas accessible at abot kaya .
Sa inihaing House Resolution 1623 ng kongresista binigyang diin nito ang kahalagahan na mapangalagaan, maagapan at magamot ang mga sakit kaugnay sa paningin, gya na lamang ng paglabo ng mata, pagkabulag, katarata at iba pa
Ayon kay Lee, maraming bata ang pagkapanganak pa lang may problema na sa mata, at marami ang apektado ang pang-araw-araw na pamumuhay dahil sa pagkabulag o malabong paningin.
Naniniwala rin ang mambabatas na dapat ituring na pangunahing healthcare issue ang problema sa paningin, lalo’t may epekto ito sa development ng isang bata, nagdudulot ng social isolation, depresyon at economic hardship o hirap sa paghahanap ng trabaho o kabuhayan.
Mababatid na batay sa tala ng Integrated Philippine Association of Optometrists (IPAO) nasa 41.4- M Pilipino ang patuloy na nangangailangan ng eye at vision care kasama na rito iyong may presbyopia at refractive errors.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home