Friday, March 22, 2024

Isa

Aabot sa tatlumpu’t anim (36) na Chinese ang “delisted” bilang miyembro ng auxiliary force, ayon sa Philippine Coast Guard o PCG. 


Sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa mga panukalang modernisasyon para sa PCG --- inungkat ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang isyu, at kung may pagsisiyasat ba rito ang PCG lalo't baka nagsisilbing “spy” ang mga Tsino na ito. 


Sagot ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, nagsagawa sila ng imbestigasyon at dumulog sa intelligence at national security agencies. At dito, nasa 36 na Chinese nga ang na-delist bilang auxiliary members. 


Dagdag ni Gavan, napag-alaman na hindi nakasunod ang mga ito sa itinakdang “standards” tulad ng kawalan ng national security clearance, kaya naman sila na-delist. 


Tanong tuloy ni Barbers, pinapayagan ba talaga ang mga dayuhan lalo na ang Chinese na maging parte ng auxiliary force, at gaano na katagal ang mga Chinese na miyembro ng pwersa. 


Kinumpirma naman ni Gavan na nasa pagitan na 2 hanggang 3 taong miyembro ng auxiliary force ang mga Chinese na naalis. 


Tiniyak ni Gavan na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PCG at pananagutin partikular kung sino ang nag-recruit sa 36 na Chinese, lalo’t maaaring naka-kompromiso ito sa seguridad ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home