Hinimok ni Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez ang Department of Foreign Affairs na higpitan na rin ang kontrol sa visa application ng mga Chinese nationals na nais pumasok sa bansa bilang mga mag-aaral.
Ayon kay Rodriguez, dapat ipatupad ng DFA at diplomatic posts ng Pilipinas sa China ang mas mahigpit na panuntunan sa mga Chinese na nais mag-apply ng visa, sila man ay negosyante, turista, manggagawa o estudyante.
Paliwanag nito, kailangan ng mas komprehensibo at mahigpit na “vetting process” o pagsuri sa Chinese visa applicants para sa kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Ibinunyag din ng kongresista na maraming Chinese nationals ang nakapasok sa bansa bilang kawani ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO at sangkot sa mga ilegal na aktibidad gaya ng kidnapping, pangingikil at murder.
Kasabay nito, umapela si Rodriguez sa DFA, Bureau of Immigration at Commission on Higher Education na magsagawa ng inventory sa mga Chinese citizens na nag-aaral sa unibersidad hindi lamang sa Cagayan kundi sa Isabela, Nueva Vizcaya at Cordillera Administrative Region.
Sa tala ng BI, nasa 1,516 ang Chinese citizens na ginawaran ng student visas sa Cagayan noong nakaraang taon at umabot na umano sa mahigit apat na libo ang Chinese students.
Kahit na tumugma ang bilang ng BI, masyado pa umano itong malaki para sa isang probinsya kaya umapela si Rodriguez sa CHED na alamin kung bakit naengganyo ang Chinese students sa Northern Luzon at bakit pareho ang pattern sa pag-migrate sa EDCA Sites.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home