Tinawag ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jefferson Khonghun na “unfair” ang pagdawit ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa ilang opisyal ng Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP sa umano’y tangkang pagpapatalsik ng kampo ni dating Pang. Rodrigo Duterte kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Khonghun na alam naman ng lahat na si Trillanes ay binansagang “Pambansang Marites.”
Hindi aniya maganda na isinasangkot ni Trillanes ang mga heneral ng pulisya at militar sa umano’y “ouster plot” kay Pang. Marcos Jr.
Dagdag ni Khonghun, hindi dapat idinadamay ni Trillanes ang PNP at AFP, na kapwa importanteng sangay na nagpapatupad ng mga batas.
Banat nga ni Khonghun, “huwag idamay sa mga Marites na ganito lalo na kung walang ebidensya.”
Una nang sinabi ni Trillanes na mayroong mga aktibong senior PNP officials na nagre-recruit umano para sa planong pagpapatalsik kay Pres. Marcos Jr.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home