Friday, May 03, 2024

Isinusulong ni CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva ang panukalang batas na magkakaloob ng special financial assistance sa pamilya ng mga nasawi o naging baldadong miyembro ng Philippine Coast Guard habang ginagampanan ang tungkulin.


Batay sa House Bill 10283 na inihain ni Villanueva, aamiyendahan ang Republic Act 6963 o ang batas na nagbibigay ng special financial assistance sa mga naulilang pamilya ng isang nasawing pulis, bumbero o miyembro ng militar o di kaya'y "incapacitated" o wala nang kakayahang magtrabaho.


Ang ayuda ay katumbas ng average na anim na buwang suweldo kabilang ang allowances, bonuses at iba pang benepisyo.


Ipinaliwanag ni Villanueva na lubhang kailangan ng bansa ang serbisyo ng Coast Guard personnel na nagtataguyod ng kaligtasan, kaayusan at soberanya sa karagatan lalo na sa panahon ng disputes.


Maituturing aniyang "injustice" para sa mga matatapang na kawani ng Coast Guard kung hindi isasama sa financial assistance ang kanilang mga pamilya.


Umaasa ang kongresista na sa pamamagitan nito ay aangat ang motibasyon at inspirasyon ng Coast Guard personnel na handang isakripisyo ang buhay para lamang maprotektahan ang bansa.


Bukod sa ayuda, palalawakin din ng panukala ang scholarship privilege para sa mga benepisiyaryo kung saan sasagutin ang iba pang school fees, magkakaloob ng outright grant sa textbooks at school supplies gayundin sa military science at physical education uniform, transportation expenses at monthly living allowance.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home