PANUKALA NA NAGPAPALAKAS SA PANGANGALAGA AT PROTEKSYON NG PAMANANG KULTURA NG PILIPINAS, PASADO SA HULING PAGBASA
Sa pabor na botong 276, nagkakaisang inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Lunes, ang House Bill 5110 sa ikatlo at huling pagbasa.
Layon ng panukala na palakasin ang pangangalaga at proteksyon ng Philippine Cultural Heritage, sa pamamagitan ng pagmamapa ng kultura at ang pinalakas na programang edukasyon sa pamana ng kultura.
Aamyendahan rin nito ang Republic Act 10066, o ang "National Cultural Heritage Act of 2009."
Ilan sa mga tampok na probisyon ng panukala ay ang pagbibigay ng ayudang teknikal at pinansyal sa mga lokal na pamahalaan (LGUs), sa pag-iimbentaryo, kabilang na ang updating ng mga idineklarang lokal at pambansang cultural properties.
Layon pa rin ng HB 5110 ang inkorporasyon ng mga pambansang kayamanan ng kultura at mahahalagang cultural property sa sistema ng basic education.
Sa kabilang dako, pinangunahan ni Speaker Romualdez ang panunumpa sa tungkulin ni Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, bilang unang nominado ng United Senior Citizens Partylist sa idinaos na sesyon ngayong Lunes. Sinabi ni Majority Leader Manuel Jose Dalipe na nakatanggap ang Kapulungan ng certificate of proclamation mula sa Commission on Elections (COMELEC) na nagpoproklama sa USC Partylist sa pagwawagi nito sa nakaraang halalan ng Mayo 2022.
Sinamahan sila ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa rostrum sa naturang seremonya.
Ang hybrid na sesyon ay pinangunahan nina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Isidro Ungab.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home