PANUKALANG NAGPAPAHINTULOT SA DOH NA ITAKDA ANG KAPASIDAD NG MGA KAMA SA OSPITAL NG DOH, APRUBADO NG KOMITE
Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Kalusugan sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Ciriaco Gato Jr. (Lone District, Batanes), ang substitute bill sa mga House Bills 288, 444, 975, 1565, at 5804, na nagpapahintulot sa Department of Health (DOH) na magtakda at aprubahan ang bed capacity at service capability ng lahat ng DOH-retained hospitals.
Sinabi ni Gato sa kanyang pambungad na pananalita na ang panukala ay makakatulong sa pagpapahusay ng mabilis na paghahatid ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, dahil layunin nitong gawing simple ang pamamaraan para sa pag-apruba ng mga naturang pagsasaayos sa mga ospital ng DOH.
Nilinaw ni Rep. Mark Go (Lone District, Baguio City), ang may-akda ng HB 975, na popondohan din ng panukalang batas ang kinakailangang pagtaas sa budgetary allotment at medical personnel. Magkakaroon ng Philippine Health Facility Development Plan, tulad ng tinukoy sa panukala, upang idirekta ang modernisasyon at mga plano sa pagpapaunlad, at upang ma-akses ang mga pamumuhunan sa paglalaan ng kapital bilang pagsunod sa Health Facilities Enhancement Program. Ipinahayag ni Director Theresa Vera ng DOH Health Facility Development Bureau ang kanyang buong suporta para sa pagpasa ng panukala.
Ipinunto niya na maraming mga ospital sa DOH ang kumikilos nang lampas sa kanilang kakayahan upang makapaglingkod sa mas maraming pasyente, na nagreresulta sa labis na trabaho at hindi sapat na pondo para sa kanilang pangangalaga at operasyon. Inaprubahan din ng Komite ang ilang lokal na panukalang batas na lilikha, magpapabago, at magpapalit ng mga ospital sa iba't ibang bayan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home