SUBSTITUTE BILL SA MAHARLIKA FUND, PASADO SA LUPON NG APPROPRIATIONS
Inaprubahan ngayong Biyernes ng Committee on Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Party-list, AKO BICOL), ang mga probisyon sa pagpopondo ng substitute bill sa House Bill 6398, na nagtatatag sa Maharlika Investments Fund (MIF), at naglalatag ng pamamahala, pamuhunan, at paggamit ng naturang pondo.
Sa kanyang pag-isponsor sa panukala, sinabi ni Senior Vice Chairperson Rep. Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City), na habang tinitiyak ng Kapulungan na tutulong ang 2023 General Appropriations Bill sa pagbawi ng ekonomiya, ito umano ay “not enough”.
Nilinaw niya na ang pondo ng Maharlika ay pangangasiwaan ng mga propesyunal at may kalinawan, sa pamamagitan ng mga inilatag na pananggalang sa panukala.
“Mamumuhunan tayo sa financial investments at sa mga proyekto na mataas ang tubo pero bitin ang kapital. Mr. Chair bitin ang kapital mula sa private sector dahil sa laki ng capital expenses.
A sovereign wealth fund will be a gamechanger as a mechanism for raising funds. Imbes na hiwa-hiwalay ang galaw ng investments ng GFIs, mabuting pagsama-samahin ang investible funds nito para ma-manage professionally at ipuhunan sa malalakas na negosyo para mas mataas ang tubo,” aniya.
Idinagdag ni Quimbo na ang pamuhunang ito ay titiyakin ng pamahalaan na maibabalik ang mga ipinuhunang pondo mula sa mga kapital na kasalukuyang hindi kailangan ng mga GFIs at GOCCs.
“These additional investment returns can be used to augment the national budget to fund our ever growing needs as a nation,” aniya.
Sa puntong ito, binanggit ni Quimbo na: 1) ang MIF Board of Directors ay aatasang magkaroon ng mga internal at external auditors; 2) maglilikha ng isang Joint Congressional Oversight Committee para mamonitor ang pamamalakad nito; 3) regular na mag-uulat ang Board sa Pangulo; 4) magtatakda ng mataas na kwalipikasyon para sa mga magiging miyembro ng Board; at 5) magtatakda ng gastusin sa operasyon at administratibo para sa Maharlika Investments Corporation.
Nagpahayag ng suporta si Finance Assistant Secretary Jun Bernabe sa panukala, at sinabing isusulong nito ang paglago sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga government financial institutions, na mapangalagaan at mapalawak ang paggamit ng kanilang gastusin.
Para kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Francis Dakila, binanggit niya rin makakatulong ang MIF na maisulong ang paglago ng ekonomiya, magpabilis sa paglikha ng mga trabaho, magpalawak ng imprastraktura, magpalakas ng connectivity, kabilang na ang pagkakamit ng seguridad sa enerhiya at pagkain.
Samantala, binanggit ni Dakila na mag-aambag ang BSP ng 100 porsyento ng kanilang mga taunang dibidendo, hanggang ang kinakailangang halaga para simulan ang paglalagak ng pondo ay maabot na.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home