Tuesday, November 29, 2022

PAGPAPATUPAD NG CRACKDOWN NG BFAR SA MGA IMPORTED NA ISDA, IIMBISTEGAHAN SA KAMARA

Pinasisiyasat ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga sa resolusyon na kanyang inihain kung may legal ba na basehan ang ipinatutupad na crackdown ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa mga nagtitinda ng mga imported na isda sa merkado tulad ng Pampano at Pink Salmon.


Layon ng HR00600 ni Barzaga na matukoy kung sapat bang batayan ang RA 8556 o Fisheries Code of the Philippines, gayundin ang ibinabang Fisheries Administrative Order (FAO) 195, 259 at Certificate of Necessity to Import para ipahinto at hulihin ang pagbebenta ng mga imported na isda.


Isa pa sa nais mabigyang linaw ng ni Barzaga ay kung ang pagbabawal sa pagbenta ng imported na isda ay para lamang sa local fish vendors o institutional buyers gaya ng hotels at restaurants.


Ang naturang imported na mga isda marahil ay para lamang sa canning at processing industry batay sa kautusan.


Kung matatandaan nagkasa ng crackdown ang BFAR sa mga nagtitinda ng imported na mga isda sa may 21 wet markets.


Layunin ng hakbang na ito laban sa illegally diverted imported fish para maiwasan ang kompetisyon lalo sa mga local fishefolk at para mapanatili ang stable na presyo ng mga isda.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home