18 PAGPAPATUPAD NG IC CATASTHOPE INSURANCE HIKE, MAARING MAGRESULTA SA PAGTAAS NG BASIC COMMODITIES
jopel
Tuluyang pagbasura sa IC Catastrophe Insurance Hike na magreresulta sa pagsirit ng presyo ng basic commodities, Iginiit...
Ipinababasura ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Insurance Commission ang IC Circular Letter No. 2022-34 na layung taasan ang insurance premium rates para sa minimum catastrophe gaya ng mga insidente ng pagbaha, lindol, at bagyo.
Kailangan aniyang ibasura ang insurance hike contributions lalo na ngayong pumalo ang inflation rate ng bansa sa 14-year high na 8.7% nitong nakalipas buwan.
Nakatakda sanang ipatupad ang noong Jan.1, 2023 ang IC circular ngunit sinuspende makaraang madiskubre at kwestyunin ni Lee ang nakaambang pagtataas.
Giit ng mambabatas, hindi kinonsulta ng insurance commission na pinamumunuan ni Commissioner atty. Dennis Funa ang mga stakeholders at consumers sa planong adjustments.
Giit ni Lee, nakahanda syang busisiin ang hakbang ng komisyon sa isasagawang unang pagdinig ngayong araw ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries hinggil sa kanyang inihaing House Resolution No. 632 na layung siyasatin ang suspended na IC policy.
Nababahala ang Sorsogon lawmaker sa ulat na nakipagdayalogo umano noong feb.7 ang IC sa mga stakeholders hinggil sa panukalang contribution hike.
Sinabi ni Lee na ang nakatakdang pagdinig ng komite ang tamang venue upang talakayin ang isyu.
marapat lamang aniyang ipaliwanag ng IC kung bakit hindi sila nagsagawa ng public consultation noon, na tila nais biglain ang taumbayan sa kanilang nabalam na pagtataas na maaring magresulta sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home