19 MAIL VOTING CONVENIENCE ACT, ISINULONG SA KAMARA
Isa Umali / Feb. 21
Inihain ni Paranaque Rep. Edwin Olivarez ang House Bill 6854 o panukalang tinatawag na “Mall Voting Convenience Act of 2023.”
Paliwanag ng mambabatas, ayon ng panukala na matiyak na matutupad ang “right to suffrage” o karapatang bumoto ng mga Pilipino maliban sa mga hindi kwalipikado.
Sinabi ni Olivarez na mainam na magkaroon na ng “voting precints/sites” sa mga shopping mall, upang mas marami ang mahikayat na bumoto, at maginhawa sa mga botante lalo na sa senior citizens na makakaiwas sa siksikan sa mga eskwelahan na lugar ng botohan.
Aniya, ang mga shopping mall kasi ay kumportable, may aircon, may parking spaces, sapat na security measures o presensya na mga pulis, at ligtas.
Dagdag ni Olivarez, nasubukan na ng Commission on Elections o Comelec ang program kung saan uubrang magpa-rehistro sa mga mall (Register Anywhere Project o RAP).
Kapag naging ganap na batas, ang Comelec ay aatasang bumuo ng mga istruktura at gagawa ng iba pang mekanismo upang mapayagan ang botohan sa mga shopping mall, tuwing national at local elections sa ating bansa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home