GANAP NA DIGITALIZATION NG LTO, SUPORTADO SA KAMARA
jopel
Fully digitalization effort ng LTO, suportado ng 1 lady solon..
Nagpahayag ng buong suporta si House Deputy Minority Rep Bernadette Herrera sa plano ng Land Transportation Office (LTO) na gawin nang i-fully digitize ang kanilang proseso at operasyon sa third quarter ng 2023.
Naniniwala ang solon na sakaling makumpleto na ng ahensya ang kanilang planong digitalization and paperless transactions, tiyak na makakamit na nito ang hangaring maging frontline agency na may mabilis at episyenteng transportasyon sa pampublikong sektor.
Pinapurihan naman ng mambabatas ang House Committee on Transportation dahil pinakinggan nito ang kanyang hiling na atasan ang Stradcom na i-turnover na ang kanilang database sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Dahil dito, tiwala siya na kapag nangyari ito, hindi na kailangan pang magbayad ng pamahalaan ng dalawang IT providers.
Good news aniya ito, sapagkat noong 2022 pa aniya sila nananawagan sa gobyerno na gumawa na ng paraan upang makatipid at huwag nang magbayad ng bilyon-bilyong piso sa dalawang IT suppliers.
Taong 1998, nang i-komisyon ng LTO ang Stradcom sa ilalim ng Build-Own-Operate o BOO deal na syang magdedevelop at mangangasiwa sa operasyon ng IT system ng ahensya.
Ngunit 2 taon na ang nakalilipas nang tapusin na ng DOTr-LTO ang BOO deal sa Stradcom, at tuluyang lumipat sa Dermalog na syang makakatuwang ng pamahalaan para sa full implementation ng Transportation Modernization ng bansa.
Una nang pinawi ng DOTr ang pangamba ni Herrera na baka ibalik ng LTO ang stradcom, matapos nitong sabihin na nakumpleto at naipasa ng dermalog ang lahat ng rekisitos na hinihingi ng ahensya.### Fully digitalization effort ng LTO, suportado ng 1 lady solon..
Nagpahayag ng buong suporta si House Deputy Minority Rep Bernadette Herrera sa plano ng Land Transportation Office (LTO) na gawin nang i-fully digitize ang kanilang proseso at operasyon sa third quarter ng 2023.
Naniniwala ang solon na sakaling makumpleto na ng ahensya ang kanilang planong digitalization and paperless transactions, tiyak na makakamit na nito ang hangaring maging frontline agency na may mabilis at episyenteng transportasyon sa pampublikong sektor.
Pinapurihan naman ng mambabatas ang House Committee on Transportation dahil pinakinggan nito ang kanyang hiling na atasan ang Stradcom na i-turnover na ang kanilang database sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Dahil dito, tiwala siya na kapag nangyari ito, hindi na kailangan pang magbayad ng pamahalaan ng dalawang IT providers.
Good news aniya ito, sapagkat noong 2022 pa aniya sila nananawagan sa gobyerno na gumawa na ng paraan upang makatipid at huwag nang magbayad ng bilyon-bilyong piso sa dalawang IT suppliers.
Taong 1998, nang i-komisyon ng LTO ang Stradcom sa ilalim ng Build-Own-Operate o BOO deal na syang magdedevelop at mangangasiwa sa operasyon ng IT system ng ahensya.
Ngunit 2 taon na ang nakalilipas nang tapusin na ng DOTr-LTO ang BOO deal sa Stradcom, at tuluyang lumipat sa Dermalog na syang makakatuwang ng pamahalaan para sa full implementation ng Transportation Modernization ng bansa.
Una nang pinawi ng DOTr ang pangamba ni Herrera na baka ibalik ng LTO ang stradcom, matapos nitong sabihin na nakumpleto at naipasa ng dermalog ang lahat ng rekisitos na hinihingi ng ahensya.###
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home