Friday, February 10, 2023

IMBITASYON NA BUMISITA SA PILIPINAS ANG MGA MAMBABATAS SA JAPAN, PAUUNLAKAN NILA, AYON KA SPEAKER ROMUALDEZ

kath

Umaasa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na matutupad ang pagbisita sa Pilipinas ng mga mambabatas sa Japan bilang pagpapa-unlak sa imbitasyon sa kanila ni Pangulong  Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 


Ayon kay Romualdez, sa pulong ng Japan-Philippines Parliamentary Friendship League sa Tokyo ay inihayag ni PBBM na ang pagbisita ng Japanese lawmakers sa bansa ay isang oportunidad para makita nila ang positibong resulta ng  ibat ibat assistance program na ipinagkaloob nila sa ating gobyerno at mamamayang Pilipino


Ayon kay Romualdez, posibleng maganap ang pagdalaw nila sa bansa sa buwan ng Hulyo kasabay ng selebrasyon ng 67th anniversary of the normalization of the diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan.


Tiwala si Romuladez na ang pagbisita ng Japanese lawmakers ay tiyak magpapalalim sa mutually-beneficial bilateral relations ng Japan at Pilipinas na pinagyaman sa loob ng ilang dekada.


sabi ni Romualdez, daan din ito para makapagpalitan sila ng ideas, mahusay na parliamentary practices, at makabagong pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng dalawang bansa dulot ng mga kaganapan ngayon sa rehiyon at sa buong mundo.

####

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home