Friday, February 10, 2023

UNANG SESYON SA SERYE NG MGA REGIONAL PUBLIC CONSULTATION HINGGIL SA PANUKALANG CHA-CHA, UMARANKADA NA

kath

Umarangkada na ngayong araw ang una sa serye ng regional public consultation ng House Committee on Constitutional Amendments para sa panukalang pag-amyeda sa Saligang Batas.


Isinagawa ito sa isinasagawa ito sa University of Science and Technology of Southern Philippines sa Cagayan de Oro City.


Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chair ng komite, susundan ito ng public consultation sa Iloilo, San Fernando Pampanga at San Jose Del Monte sa Bulacan.


Ang dumalo sa public consultation ay kailangan sagutin ang mga tanong kung sila ba ay pabor na amyendahan ang Konsitusyon ngayon, ano ang paraan ng pag-amyenda ang nanaisin, - Constituent Assembly ba o Constitutional Convention – at kung anong mga probisyon ang nais nilang ameyndahan.


Pagbabahagi pa ni Rodriguez na batay sa naging pag-uusap nila nina Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez noong nakaraang Philippine Constitution Day, ang tatahaking direksyon ng Kamara sa Charter Change o Cha-cha ay ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.


Punto ni Rodriguez, sa mga naging pag-biyahe ng Pang. Marcos Jr. sa ibang mga bansa, tulad na lamang sa Davos, Switzerland, maraming international business group at investors ang nagpahayag ng pagnanais na mag-negosyo sa bansa.


Ngunit isa sa kanilang alinlangan ay ang mahigpit na probisyon ng ating Saligang Batas, kung saan limitado ang pakikibahagi ng banyagang negosyate sa ilang sektor gaya ng advertising, mass media, edukasyon at iba pang public services sa bansa.


##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home