Tuesday, February 14, 2023

MATAAS NA OPSIYAL NG PINANSYA SA JAPAN, NAGPAHAYAG NG INTERES SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ

Inilahad ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes na isang mataas na opisyal ng nangungunang institusyon sa pinansya ng Japan, ang nagpahayag ng lubos na interes sa panukalang Maharlika Investment Fund, at sa kakayahan nito na makatulong sektor ng enerhiya sa Pilipinas.

 

Sa isang panayam ng mga miyembro ng Philippine media sa Hotel Okura sa Tokyo, binanggit ni Romualdez na nakipag-usap siya sa Japanese senior official sa isang pulong-hapunan noong Miyerkules ng gabi para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at sa delegasyon ng Pilipinas, na inihanda ng Mitsui and Metro Pacific Investment Corporation.

 

“It was during our conversation that he expressed strong interest (in the Maharlika Investment Fund) and in the possibility of investment in the proposed sovereign wealth fund, particularly for the power sector,” ani Romualdez.

 

Bukod rito, nais ng MIF na makamit ang “Agenda for Prosperity” at ang mga layunin na magsusustini at inklusibong paglago, at makahikayat ng mga karagdagang pamuhunan para sa mga malalaking proyektong imprastraktura at iba pang programa sa pagpapaunlad, ng pamahalaan.


Ayon kay Romualdez, ang interes sa panukalang Maharlika Investment Fund na ipinakita ng Japanese senior financial official ay mahalaga dahil naging pangunahing bahagi siya ng paglulunsad ng sariling sovereign wealth fund ng Indonesia, na kilala bilang INA (Indonesia Investment Authority).

 

Ayon sa mga ulat, simula nang ito ay inilunsad noong Pebrero 2021 na may pondong $5- bilyon mula sa gobyerno ng Indonesia, ay lumaki ang INA sa mahigit na $20-bilyon sa mga co-investments mula sa mga dayuhang partido sa pagtatapos ng 2022.

 

Sinabi ni Speaker na ayon sa Japanese official, ang tinatayang paglago ng panukalang Maharlika Investment Fund ay “potentially higher” kumpara sa INA.

 

“So that’s very good, that we're getting support (for the Maharlika Investment Fund),” ani Romualdez.

 

Noong Disyembre ng nakaraang taon, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukala na lumikha sa Maharlika Investment Fund, na may 90 porsyentong myembro ng Kapulungan ang sumuporta sa pagpasa sa panukala. Si Romualdez ang pangunahing may-akda ng panukala.

 

Tinukoy ni Romualdez sa ganap na suporta ng Kapulungan sa panukalang sovereign wealth fund sa kagustuhan ng mga nagsusulong nito na tugunan ang mga pag-aalala ng mga kritiko, at ang pagiging bukas ng liderato na tanggapin ang mga panukalang susog para mapaunlad pa ang panukala. 


“Over 70 countries have it and the batting average is over 90 percent success. It’s what they call international best practices to have one and that’s why we’re fortunate that we in Congress were able to pass it this fast,” ayon kay Romualdez.

 

Samantala, kasalukuyang binabalangkas sa Senado ang kanilang sariling bersyon ng panukalang Maharlika Investment Fund.

 

“Maybe after Easter tapos (approved) na 'yan (Maharlika),” ani Romualdez.

 

Bagama’t may mga katanungan pa rin sa panukala na inilatag ng ilang senador, sinabi ni Romualdez na makatutulong ito sa Senado para higit na maayos ang panukalang inaprubahan ng Kapulungan. 


Idinagdag niya na kapag naisabatas, ang Maharlika Investment Fund ay makakahikayat ng foreign investments sa bansa. #

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home