Tuesday, February 14, 2023

MGA TALBOG NA INISYUNG TSEKE NI SIBUYAS QUEEN LEAH CRUZ, NABUNYAG SA KAMARA

anne

Nabunyag ngayon sa nagpapatuloy na moto propio inquiry ng Committee on Agriculture and Food ang umano'y mga talbog na tseke na inisyu ng Onion trader na si Leah Cruz alias 'Sibuyas Queen' sa mga magsasaka at magtatanim ng sibuyas.


Ang mga tseke ay ginamit nito, pambili niya ng mga sibuyas sa mga local  farmers.


Naging mainit ang pagtatanong ni Sagip Partylist Reprsentative Rodante Marcoleta sa kontrobersiyal na negosyante.

Tanong ni Marcoleta kung bakit tumalbog ang tseke na inisyu ng negosyante.


Ang naging tugon ni Cruz ay kanila ng na settle ang nasabing isyu.


Dahil sa sagot, lalong ginisa ni Marcoleta si Cruz at sinabing sa ginawa niya nakaka-awa ang mga magsasaka.


Tinanong naman ni Cavite 4th District Rep. Elipidio Barzaga ang isang cold storage provider kung totoo ba na naghihintay ang mga onion farmers na tumaas ang presyo ng sibuyas bago nila i withdraw ang kanilang mga items.


Sagot naman ng cold storage provider representative na naghihintay ang mga onion farmers na gumanda ang presyo sa merkado bago nila ilabas ang kanilang mga items.

Dagdag pa ng cold storage provider representative na nuong December 14, pinull-out na ng mga magsasaka ang kanilang items sa kanilang facility.


Ibinunyag naman ng ng negosyante ng sibuyas na si Israel Reguyal na si Lea Cruz ang namamakyaw ng sibuyas sa mga farmers sa Bongabong Nueva Ecija, kasunod dito nawawala na ang suplay ng sibuyas at saka papasok na ang importation.


Ibinuyag din ni Reguyal na ang Bonela Cooperative ay nalugi din ng P30 million sa sibuyas sa hoarding at manipulation na ang kagagawan ay si Lea Cruz.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home