Monday, February 06, 2023

SIBUYAS - MGA MAPAG-SAMANTALANG TRADES AT HOARDERS NG SIBUYAS AT BAWANG, BINALAAN NI SPEAKER ROMUALDEZ "

“Bilang na ang kanilang mga araw"


Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez laban sa mga walang konsensyang traders at hoarders ng mga sibuyas at bawang na itinuturong nasa likod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa mga merkado.


Ayon kay Speaker Romualdez, nakatanggap sya ng impormasyon na ilang negosyante ang nasa likod ng artipisyal na kakapusan ng suplay ng bawang at sibuyas na dahilan ng pagsipa ng halaga ng mga produktong ito.


Giit ng House Speaker, sa kabila ng nagpapatuloy na harvest season at pagdating ng mga imported onions, nananatili paring mataas ang presyo nito sa mga palengke.


Malinaw ani Romualdez na isa itong economic sabotage na dapat na maimbestigahan.


Samantala, inihayag ng House Leadership na dapat ding kumilos ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang matuldukan ang talamak na smuggling ng mga agri products sa ating bansa.###

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home