PAGPAPALAWIG NG CONGRESSIONAL COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS, PINAGTIBAY NG KAMARA
Inaprubahan na ng Kamara ang House Joint Resolution 14 na para sa pagpalawig ng buhay ng “Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs.”
Batay sa panukala, ie-extend ng 10 taon ang naturang oversight committee, o mula July 4, 2022 hanggang July 4, 2032.
Layon nito na maipagpatuloy ang pagmomonitor sa implementasyon ng Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.
Maliban dito, tutukuyin ang mga kahinaan ng batas, at magrekumenda ng mga kinakailangang “remedial legislation” o “executive measures.”
Higit sa lahat, titiyakin dito ang “transparency” habang oobligahin ang mga kaukulang ahensya na magsumite ng reports sa Presidente at Kongreso kaugnay sa mga ipinatutupad na programa, proyekto at patakaran.
Ang Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs ay binubuo ng 7-miyembro mula sa Kamara at 7 rin mula sa Senado, at pinamumuan naman ng chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Nirte Rep. Robert Ace Barbers at ng Chairman din Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home