Thursday, January 19, 2023

MAGANGDANG HUDYAT PARA SA MATAGUMPAY NA MISYON NI PBBM SA WEF SA DAVOS, SWITZERLAND — SPEAKER ROMUALDEZ

Inilarawan ni House SPEAKER Martin Romualdez ang unang bahagi ng naging partisipasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 World Economic Forum  o WEF sa Davos, Switzerland bilang isang good start o mapald na simula.


Ayon kay Speaker Romualdez, una nang inihayag ng Presidential Communications Office na very positive ang pagtanggap ng ilang top business leaders sa mundo, matapos ang naging investment pitch ni Pang. Marcos sa sideline dinner  ng WEF.


Sinabi ng House Speaker, na kasama sa delegasyon ng Punong Ehekutibo sa Switzerland, na isang mapalad na simula at magandang hudyat para sa matagumpay na misyon ng Pangulo sa ginawang pagdalo sa Davos Forum.


Paliwanag ni Romualdez, maayos kasing naibahagi ng Punong Ehekutibo ang posisyon ng Pilipinas bilang isang investment hub at gateway sa Asia-Pacific region.





Matapos naman ang ginawang pagbabahagi ni Pang. Marcos sa recovery story ng Pilipinas, kapansin-pansin ma naging excited ang lahat ng dumalo sa dinner, at kapwa sumang ayon na isang future investors haven ng western capital ang bansa.


Asahan narin ani Romualdez na bubuksan  at ipakikilala ni PBBM sa WEF ang sovereign wealth fund o mas kilala bilang Maharlika Investment Fund o MIF.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home