Friday, March 31, 2023

NATIONWIDE CONSULTATION KAUGNAY SA PAG- ALIS NG MARIJUANA SA LISTAHAN NH DANGEROUS DRUGS, ISASAGAWA NI REP PANTALEON ALVAREZ

Maglulunsad ng isang nationwide consultation si Davao del Norte Rep Pantaleon Alvarez kaugnay sa panukala nitong alisin sa listahan ng dangerous drugs ang cannabis o ang marijuana.

 

Sa pamamgitan ng kaniyang  National Marijuana Consultation Tour, mag-iikot ang dating House Speaker sa buong bansa upang alamin ang pulso ng publiko hinggil sa pagsasa-ligal ng marijuana sa ating bansa.

 

Isasagawa aniya ito simula April 6 hanggang April 10.

 

Sinabi ni Alvarez na ilulunsad niya itong National Marijuana Consultation Tour, iikutin niya ang buong Pilipinas, kokonsultahin ang mga tao kung gusto ba nila na ipagpatuloy ng gobyerno na alisin na sa listahan ng prohibited drugs ang marijuana.

 

Sa ilalim ng HB06783 ni Alvarez, aamyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang alisin ang cannabis, cannabis resin and extracts at tinctures of cannabis mula sa listahan ng ipinagbabawal na gamot.

 

Ngunit, tiniyak niya na hindi isinusulong ng kaniyang panukala ang recreational use ng cannabis.

 

## wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home