Friday, June 16, 2023

PROYEKTONG COMMUNITY PANTRY PARA SA MGA BIKTIMA NG PAGPUTOK NG BULKANG MAYON, PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ

Pinuri ngayong Biyernes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang tanggapan ni Albay 3rd District Rep. Fernando "Didi" Cabredo, sa kanyang plano na magtatag ng isang "community pantry" para sa mga biktima na umalis sa lalawigan, na apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. 


Ipinabatid sa tanggapan ni Speaker na ang pinansyal na tulong na natanggap ni Cabredo mula kina Speaker Speaker Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre na nagkakahalaga ng P500,000, ay kanilang ilalaan sa pagtatatag ng community pantry, na ayon sa mambabatas mula sa Albay ay tataguriang "Community Pantry nina Speaker at Cong Didi”. 


"It's very heartwarming to see the return of the community pantry during this situation in Albay. Community pantries symbolized malasakit (compassion) and hope for Filipinos during the early days of the Covid-19 pandemic. I am happy and humbled to serve as an instrument of this laudable initiative that would benefit the evacuees," ayon kay Speaker Romualdez. 


Dahil sa mga paghihigpit na idinulot ng pandemya sa mga Pilipino, at sa kanilang kabuhayan, ang mga mamamayang may mabubuting kalooban ay naglatag ng mga lamesa at pinuno ang mga ito ng mga de-lata, mga gulay, maiinom na tubig, mga toiletries, at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Libre lamang ang mga ito na makukuha ng mga mamamayan na kanilang lubos na kinakailangan para sa isang araw. Nang dahil dito ay isinilang ang community pantry. 


"We learned that Cong. Cabredo intends to buy vegetables from farmers affected by Mayon's outbursts and give these away for free to evacuees via the planned community pantry. This is definitely worth emulating as it would maximize the number of people who would benefit from this initiative," ani Speaker. 


Hindi lamang ang distrito ni Cabredo ang nakatanggap ng P500,000 pinansyal na tulong mula kay Speaker at sa Tingog Party-list; ang parehong halaga ay ibinigay rin sa mga tanggapan nina Albay 1st district Rep. Edcel Lagman at 2nd district Rep. Joey Salceda. 


Ang tatlong mambabatas ay nakatanggap rin ng P500,000 na halaga ng relief goods mula kay Speaker Romualdez mula sa kanyang personal na disaster relief fund. 


Samantala, iniulat rin ni Speaker Romualdez na kanyang inendorso sa Kagawaran ng Labor and Employment (DOLE), ang pagpapalabas ng P10 milyon para sa mga nasasakupan ni Salceda sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) cash-for-work program. 


Ginawa ni Salceda ang kanyang pakiusap ng maaga ngayong linggo, habang binabanggit niya na ang kalagayan ng Mayon ay maaaring "protracted". Libo-libong tao na ang labis na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan. 


Inipon ng Tanggapan ni Speaker Romualdez at Tingog Party-list ang assistance package na kinabibilangan ng P1 milyon (P500,000 na cash at P500,000 na halaga ng relief packs) mula kay Romualdez at Tingog, kabilang ang P10 milyong halaga ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development's (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Ang kabuuang halaga nito ay P33 milyon. #

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home