P33M HALAGA NG TULONG PARA SA ALBAY, IPAPAMAHAGI NG MGA TANGGAPAN NINA SPEAKER ROMUALDEZ AT TINGOG PARTYLIST
Ipinasilidad ng tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list ang pamamahagi ng kabuuang P33 milyong halaga ng tulong para sa lalawigan ng Albay - in cash at in kind - sa kabila ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, na nagtulak sa paglikas ng mga residenteng naninirahan sa mga permanent danger zone.
Sinabi nina Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ngayong Linggo na P1 milyong halaga ng tulong ang inilaan sa bawat tatlong distito ng Albay.
Ang mga apektadong lugar ay 1st District, sa ilalim ni Rep. Edcel Lagman; 2nd District, ni Rep. Joey Salceda; at 3rd District, ni Rep. Fernando Cabredo. Ang tulong mula sa tanggapan ng Speaker ay ipadadala sa kani-kanilang mga tanggapan.
"The members of the House are one with the people of Albay during this challenging time. Mayon Volcano's eruption is something that we cannot stop, but so is showing malasakit to our countrymen when difficulties arise. Together, we will ride out this calamity," ayon kay Romualdez, na siyang 1st District representative ng Leyte.
Ang P1 milyong tulong sa bawat distrito ay P500,000 na cash at P500,000 halaga ng relief packs mula sa personal disaster response fund ni Speaker Romualdez.
Ngayong madaling araw, daan-daang volunteers ang nagtungo sa PureGold-Embarkadero sa Legazpi, Albay para mag-empake at ihanda ang mga relief goods para sa mga naapektuhang pamilya. Aabot sa 1,420 relief packs sa bawat distrito ang inihanda para ipamahagi.
Bukod pa rito, nakipag-ugnayan ang tanggapan ni Speaker sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian, para sa P10 milyong halaga ng tulong ang maipamahagi sa bawat distrito sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng kagawaran.
"We expect this assistance from the DSWD, along with our humble contribution, to ease the worries that our kababayans in Albay may have for the immediate future. Nakahanda po kaming tumugon sa mga pangangailangan ninyo, kahit na magtagal ang kalamidad na ito," ani Speaker Romualdez.
Ayon sa pinuno ng Kapulungan, ang P500,000 cash assistance ay ipamamahagi sa bawat distrtito sa Lunes.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home