Friday, July 21, 2023

SA PAGSILONG NG RIDER: SOLUSYON MUNA BAGO MULTA—CONG GUTIERREZ

Nananawagan si 1-Rider Patylist First Representative Rodge Gutierrez na habang hindi pa nakahanda ang mga alternartibong solusyon ay ipagpaliban muna ang pagpapataw ng multa sa mga sumisilong sa ilalim ng footbridge at flyover habang nakaamba pa ang tag-ulan.


Ito ay matapos maglabas ng anunsiyo ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na sisimulan na ang pag-iisyu ng violation ticket sa mga rider na sisilong sa ilalim ng footbridge at flyover sa darating na Agosto 1.


Sinabi ni Gutierrez na hindi nga dapat sumisilong sa ilalim ng mga tulay ang riders, ngunit napipilitan sila dahil delikadong magmaneho at magkasakit kapag biglang naabutan ng malakas na buhos ng ulan,” wika ni Gutierrez.


Kinuwestiyon niya kung bakit nagmamadali at dapat na pagmultahin agad samantalang hindi pa naman naihahanda at naiaanunsiyo ng tama kung saan-saan ba ang wastong sisilungan at kung paano ang sistema.


Binigyang diin pa ni Gutierrez na makukuha sa paliwanag ang mga riders ngunit dapat malinaw ang panuntunan at maglaan ng tamang panahon para ipaalam sa mga rider upang matantiya nila ang pagsilong sa oras na bumuhos ang ulan kung saan-saan dapat sumilong.


Dahil dito, susupotahan aniya ang maging inisyatiba na maglalagay ng ng lay-bys at tents sa mga gas station, pero hindi dapat parusa agad ang unang nasa isip gayung hindi pa nisasaayos ang lahat. 






(“1-Rider Party-list supports the MMDA's initiative to provide lay-bys and tents at gas stations, pero hindi dapat parusa agad ang unang nasa isip gayung hindi pa naisasaayos ang lahat”. panawagan pa ni Gutierrez.



Nilinaw pa ni Gutierrez na karagdagang panahon lang ang kailangan ng mga rider upang hindi naman sila magbayad ng multa dahil lang sa hindi sila inabot ng impormasyon, pero kung maihahanda umano agad ang lahat ay wala namang problema kung hindi ang sumunod. 



"We hope na maipatupad na by August 1 ang proposed alternative solutions natin. MMDA should give riders the same leniency it gives other motorists when it comes to solving our traffic woes," pagwawakas pa ni Gurtierrez.


###


Contact: Atty. Xana Frivaldo

1-Rider Party-list

09178994726 wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home