liderato ng Kamara de Representantes hindi magpapatinag sa anumang banta o pananakot ni dating Pangulong Duterte, ayon sa isang mambabatas
HINDI magpapatinag ang liderato ng Kamara de Representantes sa anumang banta o pananakot kung ang layunin lamang ay muling isaalang-alang ang desisyon i-realign ang ilang bahagi ng P1.23 billion na confidential funds ng 2024 national budget.
Ito ang pahayag ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 3rd District Rep. Franz Pumaren bilang tugon sa nakaraang pag-atake ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Kamara sa muling pamamahagi ng confidential funds na hiniling ng kanyang anak na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa national security agencies.
Bilang iginagalang na dating.pangulo, sinabi ni Pumaren na sila bilang mambabatas na halal ng bayan at kumakatawan sa interes ng kanilang.mga botante, hindi papatol sa anumang banta at pananakot.
Hiniling ni Pumaren sa dating lider ng bansa na maging maingat sa mga binibitiwang kritisiamo. Mayroon aniyang mas mapayapa at epektibong pamamaraan upang ipahiwatig ang kanyang mensahe.
Matatandaang nagdesisyon ang Kamara na ilipat ang ilang bahagi ng P1.23 billion ng confidential funds mula sa ibang government agencies na magpapalakas sa seguridad sa WPS. Inalis ng Kamara ang confidential funds ng Office of the Vice President (P500 million) at ng Department of Education (P150 million).
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home