Friday, October 13, 2023

Pinaiimbestigahan na sa Mababang Kapulungan ang pumutok na alegasyon ng kurapsyon laban sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. 


Ayon kay Manila Rep. Bienvenido Abante --- naghain na siya ng House Resolution 1381 na inaatasan ang House Committee on Good Government and Public Accountability na magdaos ng pagdinig ukol sa mga sinasabing katiwalian sa LTFRB. 


Nanawagan din siya na pansamantalang suspendihin ang Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program habang gumugulong ang imbestigasyon. 


Katwiran ni Abante, dapat na masilip ng Kamara ang mga isyu kontra sa LTFRB, upang maisulong din ang angkop na regulasyon sa land-based public transportation at maprotektahan ang kapakanan at interes ng mga Pilipino. 


Ani Abante, bagama’t binawi ng “whistleblower” na si Jeff Tumbado ang kanyang mga pasabog laban kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, nanindigan naman siya na maraming problema sa tanggapan na kinakailangang masiyasat. 


Ang mga dapat na malaman at masagot, ani Abante --- ano-ano ang mga totoong problema; papaano nang-aabuso ang mga opisyal ng LTFRB o totoo bang nag-e-extort sila ng pera sa mga transport groups at kumpanya; sino-sino ang mga opisyal na sangkot; at marami pang iba. 


Ikinalugod naman ni Abante ang agarang desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Guadiz. 


Ito aniya ay patunay na seryoso ang kasalukuyang administrasyon laban sa katiwalian sa pamahalaan. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home