MAPAYAPA AT HINDI BAYOLENTENG PAGTUGON NG PBBM ADMINISTRATION SA PROBLEMA NG ILIGAL NA DROGA SA BANSA, PINAPURIHAN NI REP. BARBERS
Pinuri ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang paraan ng ginagawang pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa problema ng iligal na droga.
(“It’s a bloodless war. It shows that we can slay the dragon that is the drug menace without lives' lost," ani Barbers na chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs.)
Sinabi ni Barbers na ang pamamaraan na ginagamit ni Pangulong Marcos ay napatunayang epektibo at sinuportahan at pinagkatiwalaan ng publiko kaya mas marami umanong kaanak ang nakikipagtulungan sa otoridad upang mapa-rehab ang mga drug user, mahuli ang mga drug lord at makumpiska ang mga iligal na droga.
(“Violence if it can be avoided by our law enforcers in the pursuit of suspects can result to less anger, resentment, desire for vengeance from our people and will likewise negate attention and condemnation from international watchdog groups,” sabi pa ng kongresista.)
Nanawagan si Barbers sa mga law enforcement agency na ipagpatuloy ang kanilang pagganap sa kanilang tungkulin at palaging isaisip ang mapayapa at hindi bayolenteng paraan ng kampanya ng administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.
Sa pagdinig ng kanyang komite noong Oktobre 9 kaugnay ng bilyong shabu na nakumpiska sa Pampanga, pinuri ni Barbers ang Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, Philippine National Police Drug Enforcement Group, at Bureau of Customs sa kanilang matagumpay na operasyon.
Umapela rin si Barbers sa mga lokal na pamahalaan at opisyal ng barangay na manatiling mapagmatyag laban sa pagkalat paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home