Naniniwala si House Secretary General Reginald Velasco na nanloloko lang o prank at hindi hacking ang nangyari sa website ng kamara
Sa isang panayam sinabi ni Velasco , batay sa ulat sa kanya ng IT team ng mababang kapulungan dini-face lamang ang isa sa mga website ng house of representative at walang na-hack na datos o confidential data mula sa kongreso
Ayon pa sa Secretary General, inaasahang ngayong araw ay maibabalik din ang website at matatanggal ang figure o larawan na nilagay ng hacker
Aniya, kapag tunay kasi aniyang hacking may ransomware o hinihinging kapalit ang hacker ngunit wala naman daw natanggap na ganun ang kamara
Gayunman , patuloy aniya ang imbestigasyon ng kongreso, DICT at NBI ukol sa naturang insidente
Pati na rin ang ginagawang pagrepaso ng kamara sa kanilang cybersecurity protocol at kinokonsidera ang posibleng bumili ng bagong equipment at mag-hire pa ng cyber-experts ang kongreso
Samantala naniniwala naman si Bohol 3rd District Rep. Alexa Besas Tutor na panahon na para humingi ng tulong ang Pilipinas mula sa cybercrime experts ng International Criminal Police Organization, mga bansa sa ASEAN, Japan at Amerika bunsod ng serye ng hacking incident sa iba’t ibang website ng ahensya ng pamahalaan
Ayon kay Tutor, malinaw na sa kakulangan ng tauhan ng DICT ay kailangan na ng tulong ng ibang eksperto sa ibang bansa
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home