Friday, October 20, 2023

Speaker Romualdez kumpiyansang sususportahan ng Saudi businessmen ang MIF


Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na positibo ang magiging pagtanggap ng mga negosyanteng nakabase sa Saudi Arabia sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mamuhunan sa Maharlika Investment Fund (MIF).


Ayon kay Speaker Romualdez mayroong mga Saudi business leaders na nagpakita ng interes sa MIF sa ginaganap na roundtable meeting noong Huwebes ng hapon na ginaganap sa St. Regis Hotel in Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.


Matapos ang presentasyon nina Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual at Finance Sec. Benjamin Diokno sa mga oportunidad ng pagnenegosyo sa Pilipinas ay inimbitahan ni Pang. Marcos ang mga negosyante na mamuhunan sa MIF.


“This invitation represents an exciting opportunity for our nation, and I believe it will receive a positive response from the Saudi business community,” ani Romualdez, lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara.


“It aligns perfectly with our vision of fostering international partnerships and diversifying our sources of investment for the benefit of our people,” dagdag pa nito.


Sa kanyang pambungan na talumpati, sinabi ni Saudi Minister of Investment Khalid A. Al-Falih na maraming negosyante sa kanyang bansa ang interesado na malaman ang tungkol sa MIF.


Ilan sa mga kompanyang nakibahagi sa pulong ay ang Public Investment Fund (PIF), Hassana Investment Company (HIC), Saudi Arabian Investment Company (SANABIL), at Saudi Fund for Development (SFD).


Ayon kay Speaker Romualdez kasama sa mga nagpahayag ng interes sa MIF si Mulhan Albakree, Executive General Manager ng PIF.


Ang PIF ng KSA ang ika-6 na pinakamalaking sovereign wealth fund (SWF) sa mundo at umaabot ang asset nito sa US $607.42 bilyon. Sa kasalukuyan, ito ang may-ari ng 71 kompanya sa 10 magkakaibang sektor na nakapagbigay ng trabaho sa mahigit 500,000 katao.


Ang Sanabil, na itinatag ng Saudi government noong 2009 at ngayon ay pinalitan na ito ng PIF, ay namumuhunan ng tinatayang US $2 billion kada taon sa iba’t ibang larangan.


Si Bandar Al Hamali, ang CEO ng Jada na isa sa pinakamalaking investment company sa Saudi ay interesado rin umano sa MIF.


Ibinida ni Romualdez ang potensyal ng Pilipinas para sa pamumuhunan bunsod ng matatag na ekonomiya nito bukod pa sa magandang lokasyon nito para sa kalakalan sa Asia-Pacific Region.


Ilan umano sa maaaring lagakan ng pondo ang mga flagship infrastructure projects sa Mindanao, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Kabilang dito ang P10.19 bilyong hydromechanical at electro-mechanical rehabilitation ng Agus IV, V, VI, VII hydroelectric power plants sa Lanao del Norte para muling maibalik ang kapasidad nito sa 471 megawatt capacity nito.


Isasailalim sa Public-Private Partnership (PPP) project ang naturang rehabilitasyon ng planta.


Isa rin sa mga proyekto ang Mindanao Railway Project, sa ilalim pa rin ng PPP. 


Ngayon taon inaasahang sisimulan na ang P100 milyong feasibility study ng Mindanao Project Phase 3.


Samantala, pinuri ni Speaker Romualdez ang pahayag ni Pang. Marcos na matutuloy ang pagpapatupad ng MIF bago matapos ang taon.


Para kay Romualdez patunay ito ng pagpapahalaga ng administrasyon sa transparency, accountability, at responsableng pamamahala ng pondo.


“While we embrace the potential of this endeavor, we must ensure that the MIF and investments into it adhere to stringent regulations, safeguarding our national interests, and aligning with our commitment to good governance,” sabi niya.


“The potential benefits of this partnership with Saudi Arabian business interests are substantial and include economic growth, job creation, and infrastructure development. We look forward to working closely with our international partners to turn this vision into reality,” punto ni Romualdez.


Sinabi ni Romualdez na makatutulong ang MIF upang matugunan ang pangangailangan ng bansa at mapalakas ang ekonomiya.


Layunin nito na makakuha ng mga kapital mula sa mga negosyante sa loob at labas ng bansa na gagamitin sa pagtatayo ng mga kinakailangang imprastraktura na magiging susi sa pag-angat ng ekonomiya.


Ayon kay Sec. Diokno makatutulong ang MIF upang bumilis ang implementasyon ng 197 Flagship Infrastructure Projects sa bansa na nagkakahalaga ng humigit-kumulang US $153 bilyon.


Layon nitong pag-ibayuhin ang physical at digital connectivity sa sektor ng transportasyon, agrikultura, kalusugan, at enerhiya, gayundin sa climate resilience.


Idinagdag niya na ang MIF ay hindi lamang nag-aalok ng mataas na rate ng kita para sa mamumuhunan ngunit may ambag din sa socio-economic na aspeto. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home