Nakatakdang maghain ng resolusyon si House Deputy Minority Leader at Basilan Representative Mujiv Hataman upang ipanawagan na wakasan na ang karahasan laban sa mga inosenteng sibilyan, kababaihan, matatanda at bata sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ayon kay Hataman, paghimok din ito sa mga kapwa mambabatas na makiisa sa panawagan upang magkaroon ng matatag na posisyon laban sa karahasan na kumikitil sa buhay ng mga inosenteng indibidwal.
Malaki aniya ang maitutulong ng resolusyon upang isulong ang agarang access sa international humanitarian agencies lalo na sa Gaza para maghatid ng relief at medical assistance sa mga sibilyan.
Iginiit ni Hataman na sa pamamagitan nito ay magkakaisa ang international community sa pagtataguyod ng permanente at mapayapang resolusyon sa Israeli-Palestinian conflict.
Naniniwala umano ang Pilipinas sa mapayapang paraan ng pagresolba ng hidwaan at napatunayan na ito sa Bangsamoro.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home