KONGRESO, NAGHAHANDA NA PARA SA 31ST APPF
Nagdaos ng pinagsamang pulong ang mga Secretariat ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ngayong Miyerkules, bilang paghahanda sa gaganapin na 31st Annual Meeting ng Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa bansa.
Tinalakay ng mga opisyal ng dalawang kapulungan sa pangunguna nina House Secretary General Reginald Velasco at Senate Secretary Atty.Renato Bantug Jr. ang katayuan ng pagpaparehistro ng APPF Member-Countries, room arrangements, gayundin ang panukalang programa mula sa inaugural ceremony na pangungunahan nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri.
Iniulat ni Senate Protocol Service Director Rosa Victoria Sevilla na 15 miyembrong bansa na ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa nasabing kumperensya. Tinalakay din sa pulong ang mga chairmanship at vice chairmanship ng mga kongresista at mga senador para sa mga sesyon ng APPF at ang pagpupulong ng Women Parliamentarians.
Nakipagpulong din ang mga opisyal ng Kapulungan ss kanilang mga katapat sa Senado sa maliliit na grupo, upang tapusin ang mga detalye ng mga gawaing itinalaga sa bawat departamento ng Secretariat para sa nasabing okasyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home