Friday, November 03, 2023

Mainit ang pagtanggap ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa pagkakatalaga kay Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture.


Ayon kay Lee, handa silang makipagtulungan kay Laurel sa pagtugon sa hinaing ng mga magsasaka at maitaguyod ang kanilang kapakanan.


Umaasa ang kongresista na maipagpapatuloy ni Laurel ang umano’y magagandang programa na nasimulan ni Pangulong Bongbong Marcos upang mapabuti ang agriculture sector.


Mayroon na aniyang magagandang hakbang ang administrasyon sa loob ng mahigit isang taon bagama’t nananatiling marami at mabigat ang mga hamon na kinahaharap.


Kinilala naman ng Magsasaka Party-list ang tatlumpung taong karanasan ni Laurel sa industriya bilang pangulo ng Frabelle Fishing Corporation.


Malawak umano ang kaalaman ng bagong kalihim sa fishing sector at ang kanyang dedikasyon at paniniwala ang magsusulong ng innovation, paglakas ng productivity at pagtitiyak sa sustainability ng agricultural practices.


Susuportahan naman ng party-list ang pagbuo ng mga polisiya na hindi lamang tututok sa pangangailangan ng mga magsasaka kundi magpapalakas din sa food security at economic stability. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home