Monday, October 30, 2023

Umapela si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante sa mga bagong halal na barangay officials na maging kasangga ng mamamayan laban sa masasamang bisyo.


Ayon kay Abante, nagiging talamak na ang bisyo sa komunidad tulad ng pagsusugal at paninigarilyo na aniya'y masama sa mental health at sa pisikal na kalusugan lalo na kung sumosobra.


Dapat aniyang maglunsad ng mga programa at kampanya ang mga bagong leader ng barangay na magtuturo sa constituents ng negatibong epekto ng paninigarilyo at sugal.


Punto ng kongresista, sa kabila ng mga batas na naglalayong himukin ang publiko na umiwas sa paninigarilyo ay mayroon pa ring 19.5 percent ng mga Pinoy na tumatangkilik nito.


Batay ito sa Philippines Global Adult Tobacco Survey kung saan lumabas na 1.5 percent ang gumagamit ng "smokeless tobacco products".


Naaalarma rin si Abante sa lumalawak na access ng sugal online gaya ng e-sabong na nakaeengganyo sa mga Pinoy mapa-bata man o matanda.


Kasabay nito, inirekomenda ng mambabatas sa Barangay at SK officials ang pagtatalaga ng vice-free zones sa komunidad at hikayatin ang nasasakupan na yakapin na ang healthy lifestyle. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home